Umikot ang mga itinalagang judges sa kabuuang lawak ng RTC-KorPhil Davao upang tingnan, suriin, at alamin kung sino ang pinakahandang trade areas at mga tanggapan sa ginanap na 5S Competition kahapon, 6 Hunyo 2023.
Layunin ng kompetisyon na palawakin ang kaalaman at kahusayan ng mga trainees, trainers at staff sa pagsasagawa ng 5s bilang epektibong pamamaraan upang mapanatiling maayos, maganda at malinis ang training center.
Sa kanyang mensahe sa kalagitnaan ng judge’s briefing, iginiit ni Supervising TESD Specialist Mr. Gil D. Gonzales na gawing “culture” o “way of life” ng bawat isa ang 5S at ang nasabing kompetisyon ay isang kaakit-akit na hakbang upang mas paigtingin ang kampanya sa pagpapatupad nito.
Dalawang kategorya ang inihain sa patimpalak, ang Trade Area Category at ang Office Category.
Nilahukan ang Trade Area Category ng siyam na Diploma Areas kabilang ang Agricultural and Biosystems Engineering Technology, Automotive Technology, Civil Engineering Technology, Mechanical Engineering Technology, Industrial Automation and Mechatronics Technology, Heating, Ventilating and Air-conditioning Technology, Information Technology, Hotel and Restaurant Technology at Welding Technology.
.
Ang Office Category naman ay mayroong 16 tanggapan gaya ng Finance, Clinic, Canteen, Administrators Room, Library, Assessment, Accounting, Training Department, Incubation, Dormitory, Registrar, at iba pa.
.
.
Tatanggap ng mga gantimpala gaya ng sertipiko at tropeyo ang top three sa bawat kategorya na inihanda ng Innovation, Green TVET and Research Team bilang pangunahing tagapangasiwa ng nasabing kompetisyon. Aarangkada ang susunod nitong edisyon sa Disyempre 2023.
.