Doble ang saya ng 50 iskolars ng TESDA RTC-KorPhil Davao matapos sabay–sabay na tanggapin sa entablado ang kanilang Training Certificates, Certificate of Competency (COC) at cash assistance sa graduation ceremony noong Pebrero 22, 2024 sa Brgy. Hall ng Tambongon, Patukan, Davao de Oro.
Sumailalim ang 25 residente ng Brgy. Tambongon at 25 mula sa kalapit Brgy. Matiao sa pagsasanay noong Disyembre 2023 at matagumpay na naipasa nitong ikalawang lingo ng Pebrero ang National Assessment sa Produce Organic Vegetables leading to Organic Agriculture Production NC II na pinunduhan ng DOLE sa kanilang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged o Displaced Workers o TUPAD program.
Ang pagsasanay ay bahagi ng “TESDA sa Barangay” program ni Secretary Suharto “Teng” Mangudadatu bilang pagsuporta sa kampanya ng pamahalaan tungo sa “Bagong Pilipinas” na may layuning ihatid ng TESDA ang mga tech-voc trainings upang makapagsanay ng mga skilled workers sa barangay level.
Pormal na iprinisinta ng Center Administrator ng RTC-KorPhil Davao na si Engr. Constantino B. Panes Jr. Ed.D ang mga magsisitapos at nagpatunay na naabot ng mga candidates ang kumpletong basic requirements ng nasabing TVET program. Ito ay kinumpirma ng TESDA Provincial Director ng Davao de Oro na sir Dir. Abigail B. Eupeña CpS, MBA, na dumalo rin sa graduation ceremony
Sa kanyang mensahe, hinikayat ni PD Eupeña na gamitin ng mga islokars ang kanilang mga natutunan upang mas mapalago ang kanilang pagsasaka at mapabuti ang kanilang buhay. Hinamon din nya ang local na tanggapan ng Brgy. Tambongon na magkaroon ng programa gaya ng Kadiwa Stores na makatulong sa mga magsasaka na maibenta ang kanilang mga produkto.
Malaki ng pasasalamat ng Brgy. Captain ng Tambongon na si Hon. Mark Lim sa programa ng TESDA at DOLE na nakapagbigay tulong sa residente ng dalawang barangay. Ibinahagi ng kapitan na ito ay makabulungang hakbang sa tuloy-tuoly na pag -usbong ng kapayapaan sa lugar bilang huling barangay sa bayan ng Pantukan na naideklarang malaya laban sa Local Communist Armed Conflict
Samantala, nasa Php 243,650.00 ang ipinamigay ng TESDA na galing sa DOLE bilang cash assisstance sa mga iskolar matapos makatanggap ng Php 4, 168.00 ang bawat isa.